Si Juan at ang Gintong Pinto
Nang mamatay si pareng Juan…. No choice s’ya kundi ang mapunta sa langit… dahil napakabait ng taong ‘to…
Habang papaakyat s’ya sa hagdan ng langit, may napansin s’ya sa bandang kaliwa na isang napakagandang pinto. Gawa sa ginto! May diamond door knob pa.
Napatitig s’ya dito.. pero s’yempre hindi pa ‘yun ang dulo ng destinasyon n’ya. Patuloy s’yang umakyat sa hagdan hanggang sa marating ang Information desk ni Pedro.
“Oh Juan, dumating na ang takdang panahon. papasok ka na sa pintuan ng langit…” .. sabi ni Pedro.
Bago pumasok si Juan sa pinto ng langit, sinilip n’ya muna ito. Gawa lang sa Silver and pinto.
Binuksan ‘to ni Pedro. At nakita ni Juan ang nasa loob ng pinto.
Puro puno, halaman, mga ibon at puro kalikasan. Tahimik, walang gulo, walang ingay.... payapa!
Sabi ni Juan… “Boss pedro, teka muna. Pwede po ba bago ako pumasok d’yan sa pinto ng langit. Pwede po bang humingi ng pabor?”
“Ano ‘yon juan?” ...sagot ni Pedro.
“Kasi po bago ako umakyat dito sa langit, may nadaanan akong isang gintong pinto na may d’yamanteng door knob. Pwede ko ba munang silipin kung ano ang nasa loob ng pintuang ‘yon?” … pagsamo ni Juan.
“O sige, halika, sasamahan kita sa pintuang ‘yon.”
Natuwa si Juan dahil natupad ang hiling n’ya.
Hanggang sa nakarating sila sa tapat ng pinto. Binuksan ‘yon ni Pedro. At bumulaga kay Juan ang isang nakaka-akit na tanawin.
Nakita ni Juan sa loob lahat ng mga bagay na pangarap n’ya...
… Party people na nagkakasayahan, puro nagtatawanan.
… Lahat ng gadgets na pinapangarap n’ya… mula sa relo… computers… cellphones etc.
… Kotse!
Habang ninanamnam ni Juan ang tanawin, isinara ni Pedro ang pinto.
Sabi ni juan… “Teka sandali lang po... parang mas gusto ko dito kaysa sa itaas. Kasi po ang nakita ko sa taas ay katahimikan... kalikasan lang. Pero dito... dito sa pintong ‘to nakapaloob lahat nmg mga pangarap ko! ‘Yung mga bagay na inaasam ko no’ng nabubuhay pa ‘ko nasa loob n’yan lahat. Pwede po ba dito na lang ako?”
Napatitig si Pedro sa kan’ya ng ilang saglit bago sumagot: “Sigurado kang ‘yan ang magiging desisyon mo? Bukas ang pinto ng langit para sa mga taong katulad mo Juan”.
“Opo! Kung ok lang sa inyo dito na lang po ako! please?” pagsusumamo ni Juan.
“O sige, kung ‘yan ang gusto mo. papayagan na kita”
Bigalang binuksan ni Pedro ang gintong pinto at hinayaang makapasok si Juan.
Habang naglalakad si Juan papasok sa loob ng gintong pinto, nadulas s’ya …. nasubsob… nakatulog.
Ilang sandali lang, nagising na ulit si Juan. Agad, may nag-abot ng isang pala sa kan’ya. At sinabi nito…
“Boss magsimula ka na ding magpala ng lupa!”
Laking gulat ni Juan! Nilibot n’ya ang mata n’ya sa paligid. Nakita n’ya ang karamihan sa mga tao ay nagpapala ng lupa. Kung hindi ulingan, pagod na pagod sila kakapala. Dungisan!
“Teka boss, ano nangyari? Kanina lang no’ng unang pasok ko dito ang saya-saya ng mga tao! Lahat pa nga ng mga pangarap kong bagay nakita ko dito kanina... bakit ganito na ‘to ngayon? bakit ang daming nagpapala? Bakit ganito ginagawa nila ngayon? Nasan na ‘yung mga bagay na nakita ko kanina?”... nagtatakang tanong ni Juan. “Ah ‘yun ba? ‘Yung may mga kotse, gadgets at kung anu-ano pa?... Wala ‘yun… kanina kasi nasa training kami… nagseseminar kasi ‘yung boss namin… kaya lahat kami masaya…. Pero ‘eto, balik sa normal na buhay… Gano’n lang talaga ‘yon. ‘Yung nakita mong sitwasyon kanina tumatagl ‘yon ng mga tatlong araw. Pagkatapos balik na kami ulit sa ganito…. nagpapala ng lupa!”
“Ha?.........”
Wala nang nagawa si Juan kundi ang makisabay sa pagbubungkal ng lupa... kasama ng mga taong nakita n’ya no’ng una at itinuring pang mga party people!
....The End....